Typhoon Rolly, lalo pang lumakas; Signal No. 3, itinaas sa Catanduanes!

1239

Lalo pang lumakas ang Typhoon Rolly habang tinutumbok ang Bicol Region.

Huling namataan ang bagyo sa layong 480 kilometro ng silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometer per hour (km/h) at may pagbugsong aabot sa 265 km/h.

Kumiklos ito pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 20 km/h.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3.

SIGNAL NUMBER 3:




  • Luzon
    • Catanduanes

SIGNAL NUMBER 2:

  • Luzon
    • Central at southern portions of Quezon kasama ang:
    • Mauban, Sampaloc, Lucban, Candelaria, Dolores, Tiaong,
    • San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao,
    • Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel,
    • Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan,
    • Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista,
    • Lopez, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Quezon,
    • Alabat, Perez gayundin ang Polillo Islands, Camarines Norte,
    • Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias And Ticao Islands, at;
    • Marinduque
  • Visayas
    • Northern Samar

SIGNAL NUMBER 1:

  • Luzon
    • Natitirang bahagi ng Masbate, natitirang bahagi ng Quezon, Rizal, Laguna, Cavite,
    • Batangas, Romblon, Occidental Mindoro kasama ang:
    • Lubang Island, Oriental Mindoro, Metro Manila, Bulacan,
    • Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora,
    • Pangasinan, La Union, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino,
    • Katimugang bahagi ng Isabela kasama ang Aurora, Luna,
    • Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano,
    • Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin,
    • Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan,
    • Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo

 

  • Visayas
    • Northern portion ng Samar kasama ang Tagapul-an, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose De Buan, Matuguinao
    • Northern Portion ng Eastern Samar kasama ang Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo
    • Biliran

Samantala, huli namang namataan ang Tropical Depression “Atsani” sa layong 1,655 km ng silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility bukas ng tanghali.

Facebook Comments