U.S., nakapagtala ng mahigit 53,000 COVID-19 cases sa loob lang ng 24 oras

103

Nakapagtala ng mahigit 53,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos sa loob lamang ng isang araw.

Batay sa datos ng John Hopkins University, nakapagtala ng 53,069 panibagong kaso ang U.S. dahilan para umabot na ito sa mahigit 2.7 million cases


Maliban dito, nakapagtala rin ng panibagong 649 deaths ang nasabing bansa na nasa kabuuang 128,677 na sa kasalukuyan.

Samantala…nadiskubre naman ng mga eksperto sa China sa kanilang pag-aaral na nakabuo ng sariling anti-body ang mga unggoy sa ikalawang beses na pagturok sa mga ito ng SARS-CoV-2 virus

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang pag-aaral kung hanggang kailan tatagal ang nasabing anto-body

Facebook Comments