U.S., nakapagtala ng mahigit 65,000 COVID-19 cases sa loob lamang ng isang araw

106

Muling nakapagtala ng record-high COVID-19 cases ang Estados Unidos matapos makapagtala ng mahigit 65,551 kaso nitong huwebes, July 9, 2020.

Batay sa datos ng John Hopkins University, nasa mahigit 3.11 million na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Amerika kung saan nasa 133,241 naman ang namatay habang nasa 969,111 naman ang recoveries.


Bunsod nito, pinangangambahan ng mga health experts na posibleng sumunod na ring tumaas ang bilang ng mga mamamatay dahil sa nasabing sakit.

Nabatid na ilang linggo ng nakakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ang Estados Unidos partikular na sa timog at kanlurang bahagi ng nasabing bansa.

Facebook Comments