U.S. President at NoKor leader, magpupulong sa Vietnam

35

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na gaganapin ang susunod na summit niya kay North Korean Leader Kim Jong Un sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Trump – naging produktibo ang pag-uusap ng kanyang diplomats sa mga North Korean officials.


Aniya, ang pulong nila ni Kim ay mangyayari sa February 27 at 28.

Layunin ng pag-uusap ng dalawang lider na maipatupad ang denuclearization ng Korean Peninsula at magkaroon na ng matatag at pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments

From Advertisers