U.S. President Donald Trump, nagbantang pababagsakin ang ekonomiya ng Turkey  

777

Nagbabala si US President Donald Trump na wawasakin niya ang ekonomiya ng Turkey kapag ikinasa nito ang military strike sa Syria.

Ang kurdish-led forces sa Syria ay kakampi ng Washington pero itinuturing silang terorista ng Turkish Military.


Ayon kay Trump, kapag inatake ng Turkey ang Syria, sisiguraduhin niyang pababagsakin niya ang ekonomiya nito.

Sa ngayon, higit 2% ang ibinaba ng halaga ng Turkish Lira kontra Dolyar sa loob lamang ng higit isang buwan.

Nagsimula na ang U.S. na bawiin ang mga tropa nito mula sa Northeast Syrian Border na siyang nagpaabante sa Turkish Forces.

Facebook Comments

From Advertisers