U.S. Sec of State Mike Pompeo, nag-courtesy call kay PRRD

182

Pasay City – Nag-courtesy call kagabi si United States Secretary of State Michael Pompeo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Airbase, Pasay City.

Si Pompeo ay galing ng Hanoi, Vietnam kung saan kasama siya sa ikalawang summit ni u.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un.

Naging close door ang meeting nina Pangulong Duterte at Pompeo, pero sinabi na ng Malacañang na posibleng tinalakay dito ang Philippines-US Mutual Defense Treaty.

Maaring napag-usapan ang ilang mahahalagang isyu tulad ng security and terrorism.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – nais niyang maamiyendahan ang treaty sa gitna na rin ng tensyon sa South China Sea.

Ngayong araw, inaasahang makikipagpulong si Pompeo kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin para pagtibayin ang US-Philippines alliance, maging ang joint efforts para matiyak ang peace and security sa Indo-Pacific Region.

Facebook Comments