UAAP | Adamson, tinalo ang Ateneo; 74-70

Itinuturing ngayon ng Adamson University na isang malaking upset ang kanilang nagawa matapos nilang talunin ang Ateneo de Manila University sa UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Tinalo ng Adamson ang Ateneo sa score na 74-70 kung saan nannguna sa panalo si Jerrcik Ahanmisi na may 23-points.

Ikinatuwa naman ni Adamson coach Franz Pumaren ang naging resulta ng kanilang pagsasanay at todo pasalamat ito sa kaniyang coaching staff.


Nagawa din nilang bantayan nang husto si Thirdy Ravena kaya at na-limit lamang siya sa 7-points.

Facebook Comments