UAAP Cheerdance Competition season 84, tuloy na tuloy na bukas

42

Tuloy na tuloy na bukas ang UAAP Cheerdance Competition season 84 matapos ang dalawang-taong pagpapaliban nito dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa MOA Arena ng alas-kuwatro ng hapon.

Batay sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng UAAP, nagkaroon ng pagbabago sa gagawin na Cheerdance Competition kung saan hindi pinayagan ang live drums ng bawat unibersidad.


Maliban pa rito, nilimitahan lamang din sa 15 miyembro ng pep squad ang makakapag-perform at ibinaba sa 2 and a half minute hanggang 3 minutes ang routine ng mga squads.

Unang magtatanghal ang Ateneo Blue Babble Battalion, na susundan ng reigning champion na NU Pep Squad, pangatlo ang UP Pep Squad, pang-apat ang FEU Chearing Squad, pang-lima naman ang Adamson Pep Squad, pang-anim ang DLSU Animo Squad, pang-pito ang UE Pep Squad; habang huli ang UST Salinggawi Dance troupe.

Facebook Comments