UAAP | Figthing Maroons, humirit pa ng isang laro kontra Soaring Falcons

Manila, Philippines – Humirit ng isa pang laro ang U.P. Figthing Maroons sa Adamson Falcons sa final four ng UAAP season 81 men’s basketball tournament.

Nanalo ang UP sa score 73-71 kung saan nanguna para sa Figthing Maroons si Paul Desiderio na may 19-point.

Samantala, naging dikitan ang ginanap na laban sa final four ng radyoman manila bonding basketball mini-tournament 2018 na ginanap sa FCL center sa Xavierville Avenue sa Quezon City.
Nanalo ang gentle hands kontra DZXL Radyoman sa battle for third sa score na 75-72 habang nasungkit naman ng Lunas Kalusugan ang kampeonato matapos na manalo kontra iFM/DWWW sa score na 85-83.


Itinanghal naman na most valuable player si Ka Rudy Liwanag habang nakuha ni Mr. Buddy Oberas ang sportsmanship award.

Ang mga mythical five naman ay sina:
– Rudy liwanag
– Raoul Reola
– Doc Bong Ramirez
– Carl Alindao
– Richard Ramirez

Facebook Comments