UAE at Hungary, sinama na rin sa mga bansang may travel restriction dahil sa bagong variant ng COVID-19

39

Isinama na ng pamahalaan ang United Arab Emirates (UAE) at Hungary sa mga bansang sakop ng travel restriction dahil sa bagong COVID-19 variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, epektibo ang travel restriction sa UAE at Hungary, alas-12:01 ng hatinggabi ng Enero 17 hanggang 31.


Agad namang inabusihan ang lahat ng mga foreign traveler na dumating sa bansa bago mag-Enero 17 na agad na sumailalim sa 14 araw facility-based quarantine.

Makakapasok naman ang mg Pilipino sa Pilipinas basta’t sumailalaim lamang sa 14 araw facility-based quarantine kahit pa magnegatibo sa resulta ng RT-PCR test.

Una nang pinalawig ng gobyerno hanggang Enero 31 ang travel restriction sa 33 bansa para maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 variant.

Facebook Comments