UAE, planong magbukas ng flights sa pagitan ng Manila at Dubai ngayong Hulyo

203

Planong buksan ng carrier ng United Arab Emirates ang labing-walong (18) flights sa pagitan ng Maynila at Dubai ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Emirates, papayagan nila ang flights mula Philippines kasama na ang UAE residents na magbabalik sa kanilang bansa.


Ang mga planong flight ay ang EK332/333 at EK334/335 na itinakda ngayong buong buwan ng July.

Kasabay nito, nagpaalala ang paliparan sa mga kustomer na tanging ang travelers na may eligibility at entry criteria requirements ng kanilang pupuntahan ang mapapabilang sa nasabing flights.

Facebook Comments