UEFA CHAMPIONS LEAGUE | Football giants Barcelona at Machester City, laglag

Manila, Philippines – Dalawang malalaking upset ang naitala ng as Roma at Liverpool matapos nilang gulatin ang mga bigating kalaban sa last 8 ng UEFA Champions League.

Kahit tambak sa first leg sa score na 4-1, rumatsada ng tatlong goal ang Roma kasama na ang away-goal sa second leg para tapusin ang kampanya ng Barcelona FC sa pinakamalaking club tournament sa Europa.

Hindi naramdaman ng Barcelona ang mga sikat nitong mga player gaya ni Lionel Messi at Luis Suarez sa ginawang pagtambak sa kanila ng Roma.


Samantala, pasok na rin sa semifinals ang Liverpool FC matapos makumpleto ang 5-1 na panalo sa leader ng English Premier League na Manchester City.

Facebook Comments