UK, nagpalabas ng updated travel advisory sa Pilipinas kasunod ng Jolo bombing

65

Nagpalabas ng updated travel advisory ang United Kingdom kasunod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Sa abiso, pinag-iingat ng British government ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas dahil sa posibilidad na pag-atake muli ng mga terorista maging sa Manila.


Nakasaad din sa abiso na patuloy ang banta sa bansa ng mga terorista gaya ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Jemaah Islamiyah, New People’s Army (NPA) at iba pang kahalintulad na grupo.

Facebook Comments