UK, tinanggihan ang alok ng DOLE na mag-deploy ng nurses kapalit ng bakuna

100

Walang balak ang United Kingdom na i-ugnay ang COVID-19 vaccines sa deployment ng Filipino healthcare workers sa kanilang bansa.

Ito ang tugon ng British Embassy sa proposal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpapadala sila ng maraming nurses sa UK at Germany basta mabigyan ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines.


Ayon kay British Ambassador Daniel Pruce, ang hiring ng Filipino healthcare workers ay isinasagawa batay sa polisiya ng kanilang pamahalaan.

Ang UK aniya ay mayroong commitment na ang anumang sobrang supply ng bakuna ay ipadadala sa COVAX Facility.

Ang allocation sa ilalim ng COVAX sa mga bansa kabilang ang Pilipinas ay magiging patas.

Facebook Comments