Ulat na gaganapin sa Saudi Arabia ang nakatakdang laban ni Pacquiao At McGregor, fake news ayon sa UFC

83

Nilinaw ni Ultimate Fighting Championship (UFC) President Dana White na hindi gaganapin sa Saudi Arabia ang nakatakdang laban nina Legendary Boxer Manny Pacquiao at Irish Mixed Martial Artist Conor McGregor.

Ito ay matapos kumpirmahin ng kampo ni Senator Pacquiao ang ikinakasang laban kay McGregor sa susunod na taon na posibleng gawin sa Middle East.

Ayon kay White, mali ang kumalat na poster na ikinalat ni McGregor kung saan nakasaad na gaganapin sa Saudi Arabia ang laban nit okay Pacquiao.

Binura na rin aniya nito ang kumalat ng poster dahil binantaan ito na kampo ni White na posibleng maharap sa kaso dahil sa ginawa nito.

Facebook Comments