Ulat na pagsalakay umano ng NCRPO sa tanggapan ng IBON Foundation, itinanggi

Itinanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may nakakasang operasyon ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng IBON Foundation.

Ito ay makaraang kumalat sa social media ang ulat hinggil sa isasagawang ocular inspection ng mga pulis sa nasabing tanggapan.

Batay sa post ng naturang Thinktank Group, isang Col. Joaquin Alba umano ang nagtimbre sa kanila ng nasabing inspeksyon sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay sa opisina ng mga progresibong grupo.


Sa presscon sa Quezon City, sinabi ni Sinas na wala aniyang katotohanan ang naturang ulat lalo at hindi na konektado sa NCRPO si Alba at wala namang dahilan para puntahan at silipin ang nasabing tanggapan.

Sa huli, nanindigan si Sinas na ang kanilang mga operasyon ay nakasalig sa mga hawak nilang impormasyon at dokumento gayundin ay naayon sa mga umiiral na batas.

Facebook Comments