UMALIS NA | Billy Crawford, nagsalita na sa pag-alis nito sa daily noontime show

552

Manila, Philippines – Nagsalita na si Billy Crawford kung bakit siya umalis bilang isa sa mga host ng daily noontime show.

Ayon kay Billy, tama ang mga naunang pahayag ng mga kaibigan, kagaya ni Vhong Navarro, na personal life ang pangunahing dahilan ng pag-alis nito.

Hindi din malinaw ang sagot ng singer-host ng tanungin kung babalik pa ba siya sa programa.

Nais daw talaga ni Billy na magsimula ng pamilya kasama ang asawang si Coleen kung saan hangad nila na mamuhay ng simple kasama ang kanilang magiging anak.

Matatandaan na ikinasal sila noong April 20, 2018 sa Balesin Island sa Quezon Province at mula noon ay nanatiling tahimik at hindi masiyadong nakikita sa limelight ng showbiz.

Facebook Comments