UMALIS NA | Derek Ramsay, nagpa-alam na sa kaniyang home network

126

Manila, Philippines – Matapos ang anim na taon, tuluyan nang nagpaalam si Derek Ramsay sa TV5 na kanyang naging home network.

Sa kaniyang instagram post, todo pasasalamat ang 41-anyos na aktor sa management ng kapatid network kung saan hindi daw nito malilimutan ang ginawang pag-build ng mga ito sa kaniyang career.

Maging ang mga ginawa daw niyang proyekto kung saan siya ang bumida ay magiging isa daw na magandang ala-ala sa kaniyang buhay.

Matatandaan na taong 2012 nang kunin ng kapatid network si Derek matapos ang halos pitong taon nito sa kapamilya.

Facebook Comments