UMALMA | Defense Secretary Delfin Lorenzana, umalma sa pahayag ni CPP Chairman Jose Maria Sison

93

Manila, Philippines – Umalma ang Defense department sa paratang ni Communist Party of the Philippines o CPP founding Chairman Jose Maria Sison na ang gobyerno umano ang nagpapatay sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi dapat nagtuturo nang walang basehan si Sison dahil bumabalik sa kanya ang mga paratang.

Direktang tinukoy ni Lorenzana na mastermind si Sison sa nangyaring plaza miranda bombing at pagpatay sa ilang kadre ng New Peoples Army na hinihinalang ahente ng pamahalaan.

Bukod pa aniya ito sa mga pagpatay sa mga inosenteng sibilyan sa loob ng nakaraang na 50 taon.

Ayon kay Lorenzana wala ng kumakagat sa psywar ni Sison kahit pa ang mga kasama nito sa komunistang grupo.

Iginiit muli ni Lorenzana na si Sison ay basura na ng kasaysayan at wala nang naniniwala rito.

Facebook Comments