UMANI NG SUPORTA | Pagpabor ng Supreme Court sa extension ng martial law sa Mindanao, kinatigan ng mga senador

Manila, Philippines – Umani ng suporta mula sa mga senador ang pagbasura ng Supreme Court sa mga petisyon laban sa pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sabi ni Senate President Koko Pimentel, tama lang na ipaubaya ng Kataas-Taasang Hukuman sa mga “political branches” ang mga usapin katulad ng martial law.

Katwiran naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, ang deklarasyon ng martial law at pagpapalawig nito ay political issue na dapat resolbahin ng malakanyang at kongreso.


Dagdag pa ni Lacson, ang hakbang ng Supreme Court ay pagrespeto sa prinsipyo ng separation of powers sa pagitan ng magkakapantay na sangay ng pamahalaan.

Sina Senate Majority Leader Tito Sotto Iii at Senator Sonny Angara naman hindi na ikinagulat ang nasabing SC ruling.
Sabi ni Sotto, talaga namang lahat ng elements ay present para palawigin ang martial law.

Paliwanag naman ni Angara, pinapawalang bisa lang ang martial law declaration o extension kapag may nakita ang Supreme Court na pang aabuso o illegal sa proseso.

Diin ni Angara, alinsunod sa saligang batas ang deklarasyon ngmartial law at yan ay para sugpuin ang terorismo at pigilin ang pagkalat nito sa buong Mindanao.

Facebook Comments