UMANO’Y ADMINISTRATIBONG KASO SA 6TH DISTRICT CONGRESSMAN NG PANGASINAN, TINAWAG NA ‘FAKE NEWS’

27
Tinawag na fake news ang kumakalat sa social media na umano’y administratibong kaso ng 6th District Congressman na si Atty. Tyrone Agabas.
Sa isang Facebook post ng isang netizen sa bayan ng tayug makikita ang tarpaulin sa isang gilid ng kalsada kung saan nakasaad ang administratibong kaso ng kongresista.
Naglabas naman na ng opisyal na pahayag ang kampo ni Agabas sa kanyang official facebook page kung saan tinukoy nilang fake news ang nasabing kaso.

Sa ngayon, patuloy na nakikipag ugnayan ang IFM Dagupan sa kampo ni Agabas. | ifmnews
Facebook Comments