UMANO’Y DAYAAN SA TIMBANG NG BINILING ISDA SA DAGUPAN CITY, ISINANGGUNI

Umani ng samo’t-saring reaksyon at komento ang umano’y panloloko sa biniling isda sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Base sa reklamo na isinangguni sa IFM Dagupan, isang mamimili mula sa Tarlac ang nagbayad umano ng P1, 200 para sa apat na kilo ng bangus na unang inakalang tumimbang ng anim na kilo.
Sa pag-iikot ng IFM News Dagupan sa pamilihan,Maging ilang mga tindera rito ay aminado na hindi umano talaga maiiwasan ang mangilan-ngilang madadayang mga kapwa nila manlalako.
Ayon sa ilang tindera, mainam umano lalo na sa mga bisita na bantayan ang bibilhing mga produkto upang maiwasang madaya.
Dagdag ng mga ito, araw-araw naman daw na nag-iinspeksyon ang Market Division upang mapanatili at matiyak na walang panlolokong nangyari, bagamat posibleng itinetyempo rin umano ang pagkakataong mandaya.
Samantala, nakatakdang makipag-ugnayan ang himpilan sa Market Division upang kuhanan ang pahayag ang tanggapan hinggil sa inireport na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments