Umano’y overpriced na proyekto ng DPWH para sa solar streetlights at cat’s eye, sinita ni Rep. Leviste

Sinita ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste ang umano’y pagiging overpriced ng streetlight projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanyang distrito mula 2022 hanggang 2025.

Ayon kay Leviste, mahigit sa triple ng makatwirang presyo ang solar streetlight project sa Nasugbu-Tagaytay Road na nagkakahalaga ng ₱280,816,956 para sa 1,202 units o katumbas ng ₱233,624.76 kada unit.

Pinuna rin ni Leviste ang mahigit 10x na paglobo sa presyo ng Cat’s Eye projects sa Unang Distrito na nagkakahalaga ng ₱444,388,840, katumbas ng mahigit ₱26,000 kada unit.

Ikinadismaya pa ni Leviste na kakalagay lang ng mga Cat’s Eye noong nakaraang taon pero marami na dito ang depektibo at hindi na gumagana, na nagdudulot ng panganib sa mga motorista sa halip na magsilbing gabay sa daan.

Giit ni Leviste, kabuuang mahigit mahigit ₱884 Milyon ang presyo ng nabanggit na mga proyekto na hindi dapat aprubahan ng Kongreso kung hindi ibababa ng 25% gayundin sa iba pang proyekto ng DPWH.

Facebook Comments