
Paiimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga tauhan ng kanilang local office sa isang bayan sa Nueva Ecija.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakatanggap sila ng impormasyon na ibinigay ng kanilang local office sa isang barangay ang voters information sheet o VIS.
Mahigpit kasi aniyang ipinagbabawal na ibigay ito sa barangay para maiwasan na magamit sa politika.
May mga karanasan daw kasi ang poll body sa mga nakalipas na halalan na hindi nakakarating sa mga botante ang VIS kung hindi ito kaalyado ng namumuno sa barangay.
Sinabi pa ni Garcia na may nakalaang pondo sa bawat local Comelec office para kumuha ng mga tauhan na naatasang magbahay-bahay at mamahagi ng VIS sa mga botante.
Facebook Comments