Umano’y pagbibtiw sa pwesto ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, pinabubulaanan ng Malacañang

845

Hindi kinumpirma ng Palasyo ang kumakalat na ulat na umano’y pagbibitiw sa pwesto ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Sa isang text message na ipinadala sa Malacañang Press Corp (MPC), inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz – Angeles na wala naman siyang narinig na report kaugnay sa pagbibitiw ni Rodriguez kagabi.

Batay sa mga kumalat na ulat, hindi umano kinaya ni Rodriguez ang pressure sa ‘inner circle” ng administrasyon ni Marcos Jr.


Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng Executive secretary na tumatanggi o kinukumpirma ang nasabing ulat.

Matatandaang bago naging executive secretary, nagsilbi si Rodriguez bilang spokesperson ni Marcos Jr. ng nakaraang 2022 National Elections.

Facebook Comments