UMANO’Y PAMAMATO SA ISANG BAHAY SA BINMALEY, NAUWI SA SAKITAN

Nauwi sa sakitan ang umano’y pamamato ng dalawang indibidwal sa isang bahay sa bayan ng Binmaley.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lumabas umano ang biktima dala ang isang steel pipe matapos umanong pagbabatuhin ang kaniyang bahay ng dalawang indibidwal.

Lumabas din umano ang dalawang indibidwal na may dala rin na steel pipe at isang wooden stick.

Dito na nauwi sa sakitan ang komprontasyon ng tatlo kung saan nagtamo ng pinsala sa bahagi ng ulo ang biktima habang nagkaroon rin ng pinsala sa katawan ang dalawang indibidwal.

Agad naman dinala ang mga ito sa ospital para sa paunang lunas.

Kalauna’y dinala rin ang dalawang sangkot sa hanay ng Binmaley MPS para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments