Friday, May 8, 2026

Umano’y planong pagpapatalsik kay Speaker Dy, pinabulaanan ni Rep. Gloria Arroyo

Mariing itinanggi ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal – Arroyo ang umano’y planong pagpapatalsik kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III upang mailagay siya muli sa nabanggit na pwesto.

Sa kanyang Facebook post ay binigyang-diin ni Arroyo, nananatili ang suporta at tiwala niya sa liderato ni Dy.

Ayon kay Arroyo, matagal na at nananatiling matatag ang kanilang suporta ni Dy sa isa’t isa.

Binanggit ni Arroyo na nagsimula ito sa panahon pa ng ama ni Speaker Dy.

Facebook Comments