Umano’y planong pagtatayo ng “all-gay school” ni Vice Ganda, umani ng samu’t saring rekasyon mula sa mga netizen

273

Umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens ang balak ni Vice Ganda na magpatayo ng all-gay school.

Ayon kay Vice, maliban sa exclusive school for boys and girls dapat na magkaroon din ng exclusive school for gays bilang suporta sa LGBT Community.


Ang pagkakaroon raw niya ng “malambot na puso” sa LGBT community ang nag-udyok sa kaniya sa pagsuporta sa mga ito.

Natutuwa raw kasi si Vice kapag nagkaroon ng maraming achievements ang kaniyang mga “kabaro” dahil parang tagumpay niya na rin ito.

Sa kabila nito, marami namang bumatikos sa komedyante dahil pinapatunayan lang daw niya na hindi pwedeng makihalubilo ang LGBT sa mga “straight”.

Facebook Comments

From Advertisers