Pinabulaanan ng Pangasinan Police Provincial Office ang umano’y naglipanang post sa social media ukol sa insidente ng kidnapping sa lalawigan.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director PCol Rollyfer Capoquian, hindi totoo ang mga ulat sa social media ukol sa umano’y kidnapping.
Aniya pa, may mga karampatang parusa ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon, tulad ng pagkakakulong at multa.
Siniguro rin ni PCol. Capoquian na Generally Peaceful sa lalawigan bagamat may isang insidente noong nakaraang buwan na nangyari sa Dagupan ngunit agad namang naaksyunan.
Matatandaan na ilang police stations sa probinsiya ang naglabas ng pahayag dahil sa pagka-alarma ng ilang residente sa kanilang lugar sa kumakalat na post sa social media ukol sa umano’y kidnapping. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨