Umano’y “third party” sa hiwalayang mag-asawang LJ Reyes at Paolo Contis, trending online!

190

Kahit wala pang nilalabas na pahayag si Yen Santos dahil siya raw ang umano’y dahilan sa hiwalayang magasawang LJ Reyes at Paolo Contis, usap-usapan na ngayon ang aktres sa online.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang interview video niya patungkol sa usaping “third party”.


Say ni Yen, bago pumasok sa ganyang sitwasyon, isipin muna ang magiging “consequences” sa maling relasyon na pinasok na talagang pagsisihan hanggang huli.

Dagdag pa ng aktres, may mga bagay na sa una lang masaya at bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya.

Matatandaan, si Yen ang sinasabing mysterious girl sa trending video na kasama ni Paolo sa isang kalye sa Manaoag Church sa Pangasinan at spotted din ang dalawa na sweet na sweet sa isang kainan sa Baguio City.

Facebook Comments