UMARANGKADA NA | Operasyon ng PITX, nagsimula na ngayong araw

60

Nagsimula na ang operasyon ngayong araw ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula kaninang alas-4:00 ng madaling araw ang lahat ng ruta ng public utility bus kabilang ang rutang Batangas at Cavite ay hanggang PITX lamang.

Ang mga bus na may ruta sa greater Manila area ay kailangang dumaan sa PITX para makakuha ng pasahero at maghatid sa ibang destinasyon.

Aamyendahan din ang prangkisa ng mga provincial bus sa ilang ruta para maging city buses.

Facebook Comments