UMARANGKADA | Western Visayas, naungusan ang Calabarzon sa dami ng medalya sa ginaganap na Palarong Pambansa

Ilocos Sur – Umarangkada sa ika-apat na araw ng Palarong Pambansa 2018 na ginaganap ngayon sa Vigan, Ilocos Sur ang mga atleta sa Western Visayas.

Pumapangalawa na sa medal tally ang Western Visayas na may 36-gold, 27-silver at 37-bronze.

Nangunguna pa rin ang NCR na may 47-gold, 40-silver at 21 bronzehabang bumagsak naman sa ikatlong pwesto ang Calabarzon na may 24-gold, 29-silver at 44-gold.


Nasa pang-apat na pwesto naman ang Cordillera Administrative region na may 21-gold, 16-silver at 16-bronze kung saan naungusan na nila ang Soccskargen na nasa pang-lima, na may 17 na gold, 15-silver at 21-bronze.

Facebook Comments