UMUULAN NG GINTO! | Daan-daang bareta ng ginto at pilak, nahulog sa isang eroplano sa Siberia

Siberia – Literal na umulan ng ginto at pilak sa runway ng isang paliparan
sa Siberia.

Papalipad na ang isang Antonov Cargo Plane na lulan ang tone-toneladang
ginto at silver bars mula sa runway ng Yakutsk nang aksidenteng bumukas ang
cargo hold nito.

Dahil dito, nagsitalsikan palabas ng eroplano ang nasa mahigit daan-daang
bareta ng ginto at pilak na nagmula sa isang minahan sa Chukotka Region.


Agad namang kinordon ng mga security personnel ang lugar upang i-secure ang
mga ginto at pilak.

Maswerteng nabawi naman ang lahat ng mga gold at silver bars na nahulog
mula sa eroplano.

Facebook Comments