UN at iba pang bansa, nagpaabot ng pakikiramay kasunod ng Ethiopian Airlines crash

Kinumpirma ng United Nations (UN) na may staff members silang kabilang sa mga nasawi sa bumagsak na Ethiopian Airlines.

Ayon kay Stephanie Dujarric, tagapagsalita ni UN Secretary-General Antonio Guterres.

Aniya, ikinalulungkot nila ang malagim na trahedya.


Nagpaabot na si Guterres ng simpatya at katatagan sa pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima.

Nakikiramay din ang UN sa gobyerno at mamamayan ng Ethiopia.

Nakikipagtulungan na ang UN sa Ethiopian officials para malaman ang UN personnel na namatay.

Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Estados Unidos, Canada, Germany, Israel at South Africa.

Facebook Comments