Unang alokasyon ng Pfizer vaccine, nagamit na ng Valenzuela City

58

Naubos na ng Valenzuela City ang unang alokasyon nila ng Pfizer vaccine.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, nagamit na nila noong nakaraang linggo ang unang dose ng 3,510 ng Pfizer.


Ang natitirang kalahati naman mula sa kabuuang 7,020 doses ng Pfizer vaccine na natanggap ng lungsod ay reserba naman para sa second dose.

Tumagal lamang ng isang linggo ang pagbabakuna ng Valenzuela City gamit ang Pfizer vaccine.

Ang bakunang AstraZeneca at Sinovac ang ginagamit muli ngayon sa siyudad.

Facebook Comments