
CAUAYAN CITY – Inani na ng mga lokal na mangingisda at kinatawan ng gobyerno ang unang ani sa High Density Polyethylene (HDPE) Circular Fishcage project sa Magat Dam Aquaculture Park.
Mahigit 100 kilo ng tilapia ang naani mula sa proyektong ito na inilunsad noong August 2024.
Pinangasiwaan ito ng Isabela Aqua Agriculture Cooperative (ISAACO), sa tulong ng Provincial Fishery Office (PFO) Isabela, na siyang tumutok sa buong pagpapatakbo nito.
Ang makabagong teknolohiyang ito sa aquaculture ay inaasahang makakatulong sa mga mangingisda upang harapin ang mga hamon ng pabago-bagong klima.
Samantala, ang 4-unit HDPE Circular Fishcage ay magsisilbing modelo sa ibang mangingisda na nais gumamit ng makabago at epektibong pamamaraan ng pangingisda.
Facebook Comments