Unang anibersaryo ng kamatayan ni NBA Legend Kobe Bryant, ginunita!

52

Nagsama-sama ang mga basketball personalities at mga fans sa Los Angeles para gunitain ang first death anniversary ni NBA Legend Kobe Bryant.

Matatandaang nasawi ang 41-year-old na si Bryant sa helicopter crash kasama ang kanyang anak na si Gigi at pitong iba pa sa Calabasas, California noong Jan 26, 2020.


Nag-alay ng bulaklak at Los Angeles Lakers memorabilia ang mga fans sa labas ng Staples Center, ang arena kung saan nakilala si Bryant bilang city icon dahil sa dalawang dekadang paglalaro nito sa NBA.

Bumuhos din sa social media ang mga ipinost na alala mula sa mga atleta, team, artist, at celebrity upang bigyang pugay at parangal ang kanilang namayapang kaibigan at idolo.

Si Bryant ay naglaro sa LA Lakers ng 20 seasons at pinangunahan ang koponan sa five championship rings at naibulsa ang dalawang Olympic gold medals bago nagretiro noong 2016.

Facebook Comments