
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. oathtaking ng bagong mahistrado ng Korte Suprema na si Associate Justice Raul Villanueva.
Si Villanueva ay ang ika-isandaan at siyamnapu’t limang (195th) Associate Justice ng Korte Suprema at papalit kay Justice Mario V. Lopez na naabot na nagretiro na noong June 4.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Korte Suprema mula nang maging pangulo ng Pilipinas.
Si Villanueva ay tubong Ilocos Sur, at humawak ng iba’t ibang posisyon sa mababang korte matapos maging presiding judge ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 255, acting presiding judge ng Taguig City RTC Branch 267 at Manila RTC Branch 4, at bilang executive judge ng Las Piñas City RTC.
Ayon kay Pangulong Marcos, kumpiyansa siyang maipagpapatuloy ang ugnayan ng gobyerno sa Korte Suprema at mas lalo pang mapapalapit ang mga sangay ng pamahalaan.