UNANG ARAW NG BAMBANTI FESTIVAL 2025, NAGING MATAGUMPAY

Cauayan City – Tagumpay ang naging pagbubukas ng unang araw ng selebrasyon ng Bambanti Festival ngayong taon.

Bilang pagsalubong sa unang araw ng kapistahan sa lalawigan, unang nagkaroon ng Thanksgiving Mass sa St. Michael Cathedral sa Gamu, Isabela upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa kasaganahan na ipinagkakaloob nito sa lalawigan.

Nasundan naman ito ang makulay at masayang fun run na dinaluhan ng kabuuang 12,625 deligates mula sa iba’t-ibang sektor sa buong lalawigan.


Naganap rin ang Grand Finals ng kauna-unahang Isabela’s Got Talent sa lalawigan ng Isabela.

Samanatala, marami pang kaabang-abang na aktibidad ang matutunghayan sa mga susunod na araw kaya naman inaanyayahan ang lahat na makisaya sa pagdiriwang ng Bambanti Festival ngayong taon.

Facebook Comments