UNANG ARAW | Paghahain ng media coverage application para sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay, sisimulan ngayong araw

38

Manila, Philippines – Simula na ngayong araw ang paghahain ng aplikasyon ng mga miyembro ng media na tututok sa anim na buwang rehabilitasyon ng isla ng Boracay.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), tatlo hanggang limang araw tatagal ang proseso ng aplikasyon at bibigyan ng ID ang mga maaaprubahan.

Nabatid na nasa 12 personnel kada istasyon ng telebisyon ang bibigyan ng accreditation at limang personnel sa radyo, dyaryo, online news site at news wire.

Facebook Comments