Unang bahagi ng film series ng RMN Foundation na layuning makatulong sa mga taga Mindanao, tagumpay

54

Tagumpay ang isinagawa ng RMN Foundation Incorporated na block screening ng pelikulang Frozen 2 na idinaos kagabi sa Greenbelt 1, Makati City.

Si RMN Foundation corporate social responsibility manager Rhoda Navarro ang nag-organisa ng nabanggit na film series, katuwang ang team mula sa iFM at DZXL 558.


Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni RMN Vice President for Content and Marketing Erika Canoy-Sanchez na nagpahatid ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa.

Sold out ang tickets at ayon kay Ma’am Erika, ang pinagbentahan nito ay ibibigay bilang tulong sa mga kababayan natin sa Mindanao na biktima ng magkakasunod na lindol.

Binanggit din ni Ma’am Erika na lahat ng RMN radio stations sa Mindanao ay puspusan ang paglikom ng mga relief goods para din ibigay na ayuda sa mga biktima ng lindol.

Facebook Comments

From Advertisers