Unang batch ng COVID-19 vaccine, dumating na sa United Kingdom

Photo Courtesy: Science Mag

Nakarating na sa United Kingdom ang unang batch ng COVID-19 vaccine na nadiskubre mula sa Pfizer-BioNTech matapos aprubahan ng uk ang distribusyon ng bakuna.

Sakay ng isang unmarked trucks, ibiniyahe ang nasabing bakuna mula Belgium pero wala pang pangalan ng lugar na paglalagyan nito.

Ayon sa Department of Health ng United Kingdom, nasa mahigit 800,000 doses na mga bakuna ang nakatakda pang dumating sa UK sa susunod na linggo na ipapamahagi sa 50 hospital hubs.


Facebook Comments