Unang batch ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking mula Syria, darating sa bansa ngayong araw

57

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang unang batch ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking mula Syria.

Sila ay unang kinalinga sa Philippine Embassy shelter sa Damascus.


Sa ngayon, mahigit tatlumpu pang mga biktima ng human trafficking ang nasa pangangalaga pa ng embahada.

Ilan sa kanila ay humaharap pa sa kaso sa Syria para tuluyang makakuha ng exit visa at makauwi ng Pilipinas.

Ang naturang mga biktima ng human trafficking ay unang nagtungo sa Dubai bilang mga turista subalit kalaunan ay dinala sa Syria para magtrabaho.

Facebook Comments