UNANG EXECUTIVE ORDER SA BINMALEY PIRMADO NA NG BAGONG ALKALDE

37
Pirmado na sa bayan binmaley ang anti-epal policy sa ilalim ng bagong administrasyon ni Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera.
Ayon sa alkalde ito ang kanyang kauna-unahang executive order na kung saan nakapaloob dito ang opisyal na paggamit ng Official seal at logo sa lahat ng mga proyektong pinondohan ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa nito, hindi na kailangang ilagay pa ang kanyang pagmumukha ,dahil ang pondong iyon ay nagmula sa mga buwis na binabayaran ng mga residente sa bayan.

Binigyang diin din nito na kanyang aayusin ang problema sa basura at ang mga iskwater sa lugar.
Samantala, target ng kanyang administrasyon ang pagbabalik sa fish circle.| ifmnews
Facebook Comments