Unang kaso ng bagong virus mula sa Repiratory Disease Outbreak sa China, naitala na sa Thailand

110

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang unang kaso sa thailand ng bagong virus na kahalintulad sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na sinasabing nasa likod ng Pneumonia Outbreak sa China.

Ayon kay who Spokesperson Tarik Jasarevic, isang indibidwal na nanggaling sa Wuhan Province, China ang isinugod sa ospital sa Thailand matapos ma-diagnosed ng mild pneumonia.

Lumabas aniya sa Laboratory Testing na isang Coronavirus ang dahilan nito.

Magsasagawa na ng emergency meeting ang WHO hinggil sa pagkalat ng bagong virus.

Ito ang kauna-unahang kaso ng Respiratory Disease sa labas ng China.

Facebook Comments