Unang training ng Gilas Pilipinas, naging positibo!

93
Photo Courtesy: Tiebreaker Times

Itinuturing na “best practice” ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guaio ang naging training nila sa Meralco Gym, Pasig City kagabi para sa paghahanda sa 2019 FIBA World Cup.

Ito ay matapos mapabilang muli si Kiefer Ravena sa koponan na pumalit kay Jayson Castro sa national team.


Nagpapasalamat rin si Guiao sa magandang resulta ng practice sa tulong ng mga rookie guards.

Boluntaryo ring sumama sa training ng Gilas sina NorthPort Robert Bolick, Columbian Dyip CJ Perez at Ginebra guard Stanley Pringle.

Facebook Comments

From Advertisers