UNDAS 2018 | Mga opisyal ng MIAA at CAB, mag-iinspeksyon sa NAIA ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakda mag-iinspeksyon ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga opisyal ng Civil Aeronautics Board (CAB) at Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero para sa Undas.

Pangungunahan ni MIAA General Manager Ed Monreal at ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla ang inspeksyon ganap na alas-7 ng umaga.


Unang titignan ng mga ito ang sitwasyon sa NAIA Terminal 3 na pinakalamaking terminal sa nasabing paliparan.

Facebook Comments