UNDAS 2018 | SPD, magpapakalat ng halos 1,000 pulis

43

Manila, Philippines – Aabot sa 970 pulis ang ipapakalat ng Southern Police District (SPD) ang ipapakalat sa mga sementeryo at mga pampublikong lugar ngayong Undas.

Ayon kay SPD Police Senior Supt. Eliseo Cruz, nasa 870 ang mula sa kanilang hanay habang ang 100 ay mula sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.


Aniya, makakatuwang rin nila sa pagbibigay seguridad ang mahigit 1,600 na force multiplier, bantay bayan, barangay tanod, security guard at mga non-government organization (NGO).

Kabilang sa mga lugar na tutukan ng SPD ang mga bus at jeepney terminal, MRT at LRT station, 28 sementeryo sa Pasay, Taguig, Parañaque, Las Piñas, Makati, Muntinlupa at sa bayan sa Pateros.

Facebook Comments