UNDAS | St. Peter Church Columbary, dinadagsa pa rin

36

Dagsa pa rin ang mga bumibisita sa kanilang namayapa sa St. Peter Church Columbary.

Ayon kay April Catequista, marketing officer, nasa 250 na ang nakabisita o pumasok sa columbary simula kahapon.

Abot na sa 4,000 ang kasalukuyang nakalibing sa columbary.

Sa bawat butas o maliit na nitso sa columbary ay may kapasidad na maglaman ng hanggang apat na urno.

Nasa 6,000 ang kabuuang niche o nitso sa loob ng columbary na ang 70,000 ang pinakamahal habang 45,000 ang pinakamura.

Mga cremated ang mga labi at mga buto na mula walo hanggang sampung taon nang nakalibing ang tinatanggap sa St. Peter Church Columbarium.

May 10 percent discount ang mga nagbabayad ng cash at may 600 pesos din na binabayaran kada taon bilang maintenance sa mga nitso.

Facebook Comments

From Advertisers