Tuesday, June 9, 2026

Unemployment Rate sa bansa nitong April 2026, bahagyang bumaba — PSA

Bumaba sa 4.7% o 2.41 million pilipino nitong Abril mula sa 5% noong Marso taong kasalukuyan ang unemployment rate o Pilipinong walang trabaho o negosyo.

Base yan sa resulta ng April Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA na inilabas ngayong Martes, June 9.

Ayon sa PSA, kabilang sa industriya na nakadagdag sa trabaho ng mga Pilipino ay ang accommodation and food services activities, manufacturing, transportation and storage, mining at quarrying, maging ang education.

Samantala, mas mataas pa rin ang nasabing datos kung ikukumpara sa 4.1% unemployment rate noong April 2025.

Facebook Comments